My advertiser

Wednesday, August 1, 2007

Balanga City News :: Henry's Lechon Owner Murder Case

July 31, 2007 - Isa sa pinaka sikat na Lechon House dito sa Balanga City ang Henry's Lechon, na sa kasamaang palad ay nagtapos ang kanyang buhay sa napakasakit na paraan. Ayon sa kwento nagtamo ng 17 saksak sa katawan at 1 saksak ng kawayan sa kanyang mukha ang biktima na ikina sanhi ng kanyang kamatayan.

Iba't ibang anggulo ang tinitingnan ngayon, ayon sa kwento kwento umaga ng araw na napatay si Henry Zabala (may ari ng lechon house) may nakatalo ito na isang lalaki sa kanyang tindahan na nakabili ng aso sa kanya at nais ng nakabili na isauli ang aso at ibalik ang pera, ngunit hindi naibalik ng biktima ang pera at sinabihan yung nakabili na mag antabay lang sandali, siguro may iniintay na pera ang biktima kaya nya sinabing maghintay lamang sandali. At hindi na nalaman pa ang mga sumunod na pangyayari.

Isa pa sa tinitingnang anggulo ang kanyang mga tauhan, may mga nagsasabing madalas maltratuhin ng may ari ng Lechon House ang kanyang mga tauhan, at madalas ding pag taasan ng boses. Maraming nagsasabi na hindi ganun kaganda makitungo sa kanyang mga tauhan ang nasabing may-ari ng lechon house. Pero ano nga ba ang motibo ng mga taong ito bakit nila nagawa ang ganung bagay, doon pa mismo sa taong nagbibigay sa kanila ng makakain at trabaho.

Ayon sa kwento gabi ng July 31, nang magtalo ang may ari ng lechon house at ang kanyang tauhan, siguro dala ng pagtatalo hindi na nila napigilan ang kanilang mga sarili at doon na naibuhos ang kinikimkim na galit sa kanilang amo. Napag alaman ko rin na nilumpo muna ang may ari ng lechon house, bago ito tuluyang marahil ang palo ng maso sa kanyang ulo ang dahilan ng kanyang kamatayan. Naisugod pa sa St. Joseph Hospital ang nasabing biktima ngunit hindi na ito nailigtas pa.

Kung ano man ang kanilang motibo sa kanilang ginawang pagpatay eh Diyos lang ang nakakaalam. At kung sino man ang tunay na pumatay nawa'y usigin ng kanyang konsensya at sumuko na sa batas.

7 comments:

  1. grabe namang galit yan! sana pag nahuli yung mga gumawa nyan eh tanggalan ng human rights tapos patayin kapareho ng pagpatay nila sa amo nila..

    ReplyDelete
  2. ay grabe. i bet mga rival nia yan sa business. i really feel sorry for the family. ang sad naman. he's successful pero buhay nia kapalit.

    kaya ikaw ingat ka jan sa balanga ha. para we have more posts to read. ;)

    ReplyDelete
  3. successful ka nga salbahe ka nmn. hayyyy buhay nga nmn isa lang toh kaya dapat pagbutihin ang pakikitungo sa lahat.

    ReplyDelete
  4. Mga Kababayang taga Balanga ... let us not speculate on the pros and cos of the situation . . . let the authority handle the case . . . the most important thing is . . . let us learn the lesson from the incident . . . the family of the victim . . . the perpetrator and the public alike must learn the lesson behind . . . all of us are victims of circumstances . . . because the great majority of us do not understand the real purpose of life . . . majority of us do not know why we are all here in this planet . . . we don't fully understand the meaning of life . . . I can be emailed at bsgracianni@yahoo.com for an enlightenment on the meaning of life . . . .

    ReplyDelete
  5. henrys lechon houseApril 6, 2009 at 3:06 PM

    nelo thanks for ur comment!!im jeeny zabala daughter of the victim...
    mraming speculation sa nangyari sa papa ko...
    the truth is the day he was killed e it was planned already before pumunta papa ko sa farm namin nagtxt na ung tauhan nmin sa ahente if magbabayad sila ng baboy at nagreply nmn ung isang tauhan,nagreply namn ng oo, kulang 100 thou ang dala ng papa ko that night.

    kaya sinabing minaso sya dhil alam ng mga tauhan na may baril papa ko at d nila kaya if nasa maayos na pangangatawan tatay ko.

    travelphilippines bkit ka magcocomment ng ganyan kung ang alam m na napakasakit ng nangyari lalo na sa mga taong nagmamahal sa biktima without even knowing kung ano talaga real story..

    u know what 3 years na pabalik balik ung tauhan na un samin may sakit ang nanay nya..before nya gawin ung crime n un nagpadala p nga pera ang papa ko tru LBC sa nanay nya sa mindanao at kabibigay lng ng tatay ko ng cellphone sakanya para may constant communication sila ng nanay nya
    sa tingin m babalik paba sya ng 3 beses samin kung minamaltrato sya??

    kaya natakbo pa sa hospital ang papa ko dhil ng gabi na un dinalan pa ng balot at sigarilyo ng kapatid ko ung mga walang kaluluwang tauhan nmin tpos sasabihin m na minamaltrato sila??
    naging mabuting tao ang tatay ko sa mga taong nakapaligid sakanya

    for ur info (travelphilippines) nung libing ng taty ko 3 tao ang lumapit sakin at sinabing napakalaki ng naitulong sa kanila ng tatay ko at d nmn namin alam na may mga natutulungan pala sya na di nmin kakilala...ngayn nyo sabihing salbahe ang tatay ko????

    ReplyDelete

Share your thoughts...