My advertiser

Sunday, September 26, 2010

Ang Krayola ng buhay ko!

Parang di ako makapaniwala na umalis na naman ako ng bansa. Gaano katagal na naman kaya ako malalayo sa piling ng mga taong mahal ko? Ilang gabi kaya akong makikipaglaban sa kalungkutan? Hayy...ayoko na isipin yang mga tanong na yan dahil baka di ako makatiis at magbalak na namang umuwi. Hayyy....


Well...kwento na lang ako my dear ka-blog readers and friends.

Today is supposedly a very happy day for my daughter Ash, pero hindi naging masaya kasi ngayon mismo ang araw na iiwan ko na naman ang aking munting prinsesa.

"Hayaan mo anak mabilis lang ang araw" yan ang nasabi ko sa kanya kaninang umaga habang yakap yakap ko siya at hinahalikan para magpaalam dahil ang batang balanga ay muli na namang lilisan para mangibang bayan. Ramdam ko na napansin nya na naluha ako nung sinabi nya na "Pa, mamimiss po kita" ngumiti lang siya sa akin na parang nangungusap ang kanyang mga mata at nagsasabi na "kaya mo yan Pa" pinilit ko maging matatag sa harap nya at niyakap ko sya para di nya makita ang pagpunas ko sa aking mga mata.

Sa may pintuan nandun ang aking isang anak na parang walang kaalam alam sa mga nangyayari, hawak ang kanyang laruan nilapitan ko siya at hinalikan. Yumakap siya sa akin at humalik na may halong paglalambing. Kinarga ko siya at sinabi ko na "pano yan anak, aalis na si papa"... "Papa" yan ang ibinigay nyang sagot sa akin, paulit ulit nya binabanggit ang "Papa"..."Papa"... inilapag ko siya sa sofa hawak ang kanyang laruan na parang wala parin siyang ideya na ako'y lilisan.

Sunod kong nilapitan ang bunso ko, ang aking munting anghel na bunga ng pagmamahal. Kahit di pa nya naiintindihan, sinabi ko sa kanya ang salitang "Paalam" ayoko sana sabihin ang salitang yun sa kanya, kasi ayoko na sa mura nyang isipan, salitang "paalam" agad ang kanyang matututunan. Pero, kelangan eh... so nagpaalam ako sa kanya, matagal kong hinalikan ang bunso ko, habang ninanamnam ko ang amoy ng kanyang leeg bangong bango kasi ako sa mga sanggol.

Matagal ko siyang tinititigan, dahil hindi ko alam kung kelan ko siya ulit matititigan ng malapitan at mahahawakan kaya sinamantala ko na ang mga oras na yun. Natuwa ako ng bigla siyang ngumiti, siguro hudyat yun na nararamdaman nya ako. hinimas ko lang ang kanyang ulo bilang ganti sa ibinigay nyang mga ngiti.

Mabilis na lumakad ang oras at kinailangan ko nang magpaalam sa lahat ng tao sa bahay. Huli kong pinagpaalaman ang pinaka espesyal na tao sa puso ko, ang aking asawa. Ngumiti lang ako sa asawa ko at kumindat, sa mga sign na yun alam ko na ramdam nya kung gaano ko siya kamahal, dahil ganun ako pag naglalambing sa kanya.


"Hon, aalis na ako" ang sabi ko; Ngumiti siya sa akin at sinabi ang mga katagang "Ingat", "I love You", humalik lng ako sa mga labi nya at tuluyan na akong nagpaalam.

Bitbit ang aking laptop, sa likuran ko ay nakasunod ang aking anak na si Micron, umiiyak siya habang binabanggit ang salitang "sama", "papa", "sama" hinaplos ko lang ang kanyang mga pisngi at muli ko siyan hinalikan.

Pinilit ko na maging matatag para di sila mahirapan at di rin ako mahirapan na umalis. Malayo na ako nakatanaw pa ang anak kong lalaki, khit di ko na naririnig ang iyak nya sa, sa puso ko ay parang may kumukurot na halos gusto kong tumalon at muling yakapin siya.

Kumaway na lamang ako habang lumalayo ang sinasakyan ko. Sa tabi ko, nakatingin sa akin ang panganay ko na si Ashley, nakangiti siya; Inakbayan ko siya at sinabi ko ng pabiro "O anak nandito ka pala" Sabay yakap sa kanya at tumawa. "Si papa talaga" yan ang sagot nya sabay hawak sa hita ko.

Wala na ako ibang nasabi pa sa kanya kundi ang "Magpakabait ka anak ha" "Lagi makikinig kay Mama"

Hayyy.... Napatigil ako pansamantala habang umaandar ang sinasakyan namin ng anak ko hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan ko ipi pick-up ang bestfriend ko, dahil kasama siya sa paghatid sa akin.

Mula sa jolibee, ang lugar kung saan ko pinick-up ang bestfriend ko hanggang sa bahay ng parents ko, masaya kaming nagkukwentuhan at nagbibiruan, ako...ang bestfriend ko...at ang anak ko. Kaming tatlo kasi talaga ang magkakasanggang dikit.

Nakarating kami sa bahay ng parents ko, nagpaalam kay Papa, at sa aking mama, na kahit na 2 weeks na may sakit, pinilit bumangon para ihatid ako kahit sa sasakyan lang.

Sa loob ng sasakyan namin, andun ang kulitan, asaran at tawanan naming magkakapatid kasama ng bestfriend ko. Pinilit naming maging masaya na parang walang iniisip na may aalis na naman sa pamilya.

"Ang hirap umalis" sabi ko sa ate maricel ko, ngumiti lang siya at sinabi "siyempre may maliit ka"

Tumawa lang ako sabay nagbitaw ng mga jokes sa kanila. Ganyan talaga ako palabiro!

Pagdating sa airport, sabi ng kapatid ko "oi cancel daw yung flight papunta ng singapore" parang bumilis ang tibok ng dibdib ko, sa isip isip ko..salamat makakauwi ako ulit! Dali dali ako lumapit sa airport staff, at tinanong kung cancelled ang flight papunta ng singapore. Oo cancel nga daw! Natuwa ako bigla, kaso nung tiningnan yung eroplano na sasakyan ko, iba pala ang eroplano na nacancel.

Nanghinayang ako bigla, at nakayukong bumalik sa upuan. Kinuha ko ang gamit ko at nagpaalam na sa aking mga kapatid, at sa anak ko na sobrang kulit.

Hayyy.... 6 hours na ako dito sa singapore! bukas balik na naman sa normal na routine, gigising ng maaga at papasok sa opisina!

Salamat na lang at nandyan ang mga krayola ng buhay ko, na nagiging inspirasyon ko sa bawat araw na kahit di ko sila kapiling, lagi parin nila pinaparamdam ang pagmamahal nila sa akin. Mahal na mahal ko kayo mga Krayola ng buhay ko! Ash,Mic, Jared... and ofcourse ang lalagyan ng Krayola..ang aking asawa! I love you hon!

2 comments:

  1. ganun tlga tolits... ilang araw lang naman uuwi ka na ulit e... mdyo malungkot nga kanina si ash...ok lang yun. Just Be GOOD... your a better man...(sana joke)mis you bestfriend....

    ReplyDelete
  2. Nice nmn s mga blog KRAYOLA NG BUHAY KO...grabe ka magpaiyak s mga post mo d2 ahh sobrang miss k n nmn hon sana maging ok n lhat para magksamasama n tau ng mga bta....i luv u hon mwuaaahh miss u so much...@ jef sbi ni Bff mo BETTERMAN na daw xa(sana nga)totoo n kya n betterman n nga sya????

    ReplyDelete

Share your thoughts...