It's been a long time since my last post!!! Hayyy ang bilis ng panahon, di ko namalayan na 3 months na pala ako wala sa Balanga. I can still remember my first step here in Singapore halos nangangapa ako sa dilim dahil first time ko mag abroad at malayo sa Family ko. In 3 months halos araw araw ko ginawang busy ang sarili ko para di maramdaman ang lungkot na nararamdaman, buti na lang I ove and enjoy my work that's why i can easily moved on. Yes!!!masayang masaya ako dahil lumipas ang 3 months ng ganun kabilis. Sa katunayan uuwi ako ng Pilipinas this coming February para magbakasyon sana matuloy hehehe...
First time ko mag celebrate ng Christmas na wala sa aking myluvs (yan ang tawag ko sa asawa ko) at sa aking baby (yan ang tawag ko sa anak ko). Niloloko nga ako ng ate ko nung kausap ko ang mag ina ko sa telepono, wag na raw ako mahiya na punasan ang luha ko. Sa totoo lang halos bumilis ang tibok ng puso ko kasi sobrang na miss ko sila ng mga sandaling yon. Pero wala ako magagawa para sa kanila naman to eh, kaya titiisin ko na lang. Hindi ko na napigilan na napaluha nung kausapin ko ang baby ko at sinabi nya sa akin "Papa i miss you" para bang kinurot ang puso ko at wala ako nasabi. Inulit nya ulit ang sinabi nya "Papa...sabi ko i miss you" natawa na lang ako at sinabi ko "I miss you too baby" para hindi nya mahalata na naiiyak ako dinaan ko na lang sa biro at tinanong ko kung ano handa nila.
Natapos ang Christmas at New Year na tanging Internet at Phone lang ang nagiging communication namin. At this moment medyo naka adjust na ako, siguro dahil sa araw araw na hindi ko sila nakakasama eh nasanay na rin ang sarili ko na hindi ko sila nakikita. Iniisip ko na lang na nasa school ang anak ko, at ang wife ko eh nasa bahay at ako eh nasa work at uuwi rin naman.