Naranasan mo na bang maholdap? Hindi ng mga bilihin sa mga grocery o palengke ang tinutukoy kong holdap at hindi rin ang gasolina sa mga paborito nyong Gasoline station. Totoong holdap ang tinutukoy ko at ito ang naging karanasan ng aking bestfriend sa Pinas.
Here's the story goes....
Pauwi siya sa tinutuluyan niyang plot sa Makati sakay ng isang Van o mas kilala sa tawag na FX. My bestfriend is a good looking guy na lamang lang sa akin ng isang paligo pahabain mo lng ang buhok eh si Jumong na ang maiisip mo. Pero siyempre di ao pahuhuli sa pagka WAFU!....Anyway... let's go back to the story. Galing ang bestfriend ko sa kanyang work as a realstate agent, ewan ko lang kung bakit 3:00am na siya nakauwi that time. Bitbit ang kanyang bag sumakay siya sa isang FX pauwi sa kanyang tinutuluyan, at sa loob kasakay nya doon ang dalawang lalaki na according to him eh "hindi katiwa tiwala ang pagmumukha". While on their way, he didn't feel comfortable with the two guy seated besides him at parang kinakabahan siya sa mga titig ng dalawang lalaki sa kanya...napaisip pa nga daw siya na baka bakla ang dalawa at gusto lang siyang....alam nyo na.... Well..tuloy ang pagtingin sa kanya ng dalawa at sa gitna ng kanilang biyahe nagdeclare ng holdap ang dalawa pinababa siya at tinutukan ng baril, matapang ang bestfriend ko at hindi nagpadala sa kanyang takot, instead he tried to fight back, he kick the gun held by one of the bad guys, tumalsik ang baril at pupulutin nya sana para itutok din sa mga gagong punyemas na walang magawa. He didn't expect na may kasama pa pala ang mga gago na nag aabang lang nakuha nang isa ang baril na tumalsik from the guy at itinutok sa kanya he heard from one of the guy a bullshit words "Pare putukan mo dali putukan mo!!" He has no choice but to run away and leave his things with the bad guys..hayy... that's the end of his one of his unforgettable story sa kamay ng mga holdaper na napagkamalan nyang bading!!!
Reaction lang ha...bakit palala ng palala ang krimen sa pinas lalo na sa kamaynilaan, tlaga bang ganun na katalamak ang kahirapan sa atin at wala na silang maisip na paraan para kumita ng pera? May magagawa ba ang Gobyernong Arroyo at kanyang alipores para masugpo ang ganitong mga pangyayari.
Kung gugustuhin naman ng gobyerno may magagawa sila dahil nasa kanila ang kapangyarihan, kaso ang inaatupag nila eh ang kanilang bulsa at nag iisip paano kikita para sa kanilang sariling kapakanan!!!
Holdap ka na nga sa mga presyo ng bilihin holdap ka parin sa mga taong walang magawa sa buhay.