My advertiser

Wednesday, September 29, 2010

When bolero meets sexyemotera!

"Some people comes into our lives and they quickly go.
Some people stay for awhile and leave footprints into our hearts
But, we are not like them! Cos we are FOREVER"



It was a cold day of the month of August 2001 nang unang mag krus ang landas ng isang bolero at isang emotera.

"O sino nagpa-iyak sayo" yan ang una kong bati sa kanya, sabay tawa kasama ng bestfriend ko na si jepoy. Hindi ko akalain na ang pagtatanong ko na yun ang simula ng napakakulay kong buhay sa eskwela.

Wala siyang ibinigay na sagot sa akin sa tanong na yun ngunit ramdam ko sa sarili ko na may mabigat siyang suliranin nang mga oras na yon. Kasama ang kanyang ate, nagmamadali silang lumabas ng compound ng eskwelahan kung saan kami nag aaral.

Hindi ko na nakita si emotera kinabukasan, at makalipas ang ilang araw muling nagkrus ang landas namin sa parehong lugar kung san kami unang nagkita. Kasama ng kanyang kaibigan, tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak that time. Ngiti lang ang isinagot nya sa akin, at ang madaldal nyang kaibigan lang ang nagsabi na "Eh pano kasi namatay lolo nya" natahimik na lang ako sabay sabi ng "oopss... sorry"

Matapos ang araw na yun naging madalas na ang pag uusap namin hanggang sa magkaron kami ng 'MU' o multong unggoy...este..Mutual Understanding pala.

Araw araw ang naging pagkikita namin ni emotera, naroong tawagin ko siya sa oras ng kanyang klase para lang kumain ng pancit canton na ipinaluto ko sa canteen with matching RTO (royal true orange)

Magmula noon, nakasanayan na namin ni emotera ang routine na yun, kaya pagnakita na ako ng teacher nya alam na nila yun, at sasabihin "Oh Chat tawag ka ng boss mo" Natutuwa naman ako sa teacher nya dahil kahit na may klase sila hinahayaan nya na lumabas si emotera (chat) para sumama sa akin sa canteen to eat our fave snack!

Isa pa sa mga saksi sa aming napakasayang relasyon ay ang tindero sa park, sa tuwing makikita nya kami na magkasama ay lolokohin na kami nun at sasabihing "Sweet nyo, bagay na bagay kayo" at si emotera naman ay lalo pang kakapit sa akin sabay sasabihin ko naman "Siyempre naman"! Mga simpleng bagay lang ang naging palipasan ng oras namin ni emotera, ang pagtambay sa park, pagkain ng fishball at pag inom ng palamig na nasa plastik. Mga simpleng bagay pero tumatak sa aming mga puso at isipan na kahit kelan hindi namin kakalimutan!

Isa ang Charvin sa naging tambalan ng taon sa eskwela, lahat ata ng guro at mga schoolmate namin ang alam ang tambalang Charvin. Sino pa nga ba ang di makakakilala sa taong nagbansag ng tambalang Charvin, sino pa nga ba e di si Evelyn! ang babaeng kung lapastanganin ng mga estudyante ay ganun ganun na lamang..hehehe...Kung Proclesian ka malamang eh kilala mo si Evelyn!

Marami kaming masasayang araw ni emotera(chat) na habambuhay kong isasapuso, at oras oras kong sasariwain. Dahil ang mga sandaling kasama ko siya ay talaga namang langit para sa akin.

Walong taon na ang lumipas ngunit lahat ay sariwa parin sa aking alaala, mga araw at oras na kasama ko siya ay hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga ng pera. Ang pagbigay nya sa akin ng mga krayola, ang mga krayola na nagsisilbing inspirasyon ko sa bawat oras na malayo ako sa kanila.

At kung mawala man ako sa mundong ito, at bigyan ng pagkakataon na bumalik, hihilingin ko sa kanya na ibalik ako sa araw na nagkakilala tayo para muling sariwain ang unang araw na ika'y naging akin!

Monday, September 27, 2010

Moments with love


Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon, halos di ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Siguro marahil sa kausap ko ang aking asawa at nakita ko ang aking mga krayola.

Masaya na ako na nakikita ko sila kahit na sa bintana lang ng aking computer. Gusto ko man silang yakapin ay tanging sa panaginip na lamang yun pwedeng mangyari.

Sinulit ko ang mga sandaling magkausap kami ng aking anak na si Micron, sobrang kulit talaga ng batang ito at nakuha pang makipaglokohan sa akin sa likod ng kamera. Sayang nga lang at di ko nakuhang litratuhan ang kakulitan nya para naman may maipost ako dito kahit paano. Nakapangalumbaba ako na nakatitig sa kanya habang naglalaro sila ng kanyang mama, bigla ko tuloy naisip parang kulang ang ilang araw na inilagi ko sa piling nila dahil hindi man lang kami nagkaron ng oras na magkasatan at magbonding kagaya ng ginagawa nila. Siguro marahil mas madalas pa siyang nasa piling ng tita nya kesa sa akin kaya parang kulang ang mga araw na inilagi ko sa piling nya.

Naalala ko tuloy ang sinabi ko sa asawa ko nung minsang magkausap kami. "Ang layo ng loob ni Mic sa akin" yan ang malungkot kong sabi. Kaya ang hirap pag nalalayo ka sa piling ng mahal mo lalo na at bata pa sila. Kung may pagkakataon lamang ako na umuwi linggo linggo ay gagawin ko para naman mas maging malapit ang loob nya sa akin. Tanggap ko naman na medyo malayo sa akin ang loob ng anak ko dahil sa hindi nya ako araw araw nakakausap at nakakasama, pero masakit din pala kung iyong iisipin.

Nakakatabi ko lang sa pagtulog si Micron kapag natutulog na siya kaya ang gagawin ko na lang ay ang titigan siya habang natutulog at kinakausap ng pabulong dahil baka magising at hanapin si tita nya. Ingat na ingat ako sa pag haplos ng kanyang ulo sa pangambang baka bigla siyang magising. Sapat na sa akin yun kahit sa ganung bagay lang sana maramdaman nya na ako ang papa nya at sana mas maging malapit pa siya sa akin.

Ibang iba naman ang panganay ko, ang aking munting prinsesa - palibhasa'y sa akin lumaki at sa mga hita ko natutulog nung siya'y munting anghel pa lamang. Mas naging malapit siya sa akin at ang naging bonding namin ay ang pagbasa ng libro bago siya matulog nung siya ay maliit pa lamang. Isang kwento isang gabi yan ang usapan namin.

Ngayong malaki na si Ash, hilig nya ang magbigay sa akin ng mga munting likha ng kanyang mga kamay. Naroong ipag gawa nya ako ng drawings o sumulat ng mga katagang "I love you Pa" at nung minsang tinulungan ko siya sa kanyang homework hindi pa siya nasiyahan na sabihin sa akin ang salitang "thank you" Nakuha pa nyang gumawa ng isang sulat na nakasulat ang "Thank you po papa, i love you po" ganyan ka sweet ang prinsesa ko kaya kahit na pasaway yan mahal na mahal ko yan.

Sa katunayan, gabi bago ako umalis ng pinas, humingi siya sa akin ng pera. Hindi ko na tinanong kung aanhin nya at agad ko siyang binigyan. Bumalik siya at patagong ipinakita sa akin ang kanyang binili. Isang kahon ng Krayola na gagamitin daw nya sa eskwela. "Anak bakit di mo sinabi sa akin para ako na ang bumili" ang tanong ko sa kanya. At alam nyo ba kung ano ang sagot nya sa akin? eto:

"Pa, ok lang po yun, alam ko naman po na hirap na kayo magwork kaya po tutulungan ko po kayo papa." Ngumiti na lang ako sa kanya at hinaplos ang ulo nya.

Sa totoo lang ang buong akala ko kaya siya humingi ng pera eh para ibili ng pagkain nya o ng chichiria na paborito nya. Sa murang edad ni Ash naiisip nya na tulungan ako kahit sa munting bagay lang. Sana ganyan siya hanggang sa lumaki siya.

Eto ang ginawa nya gamit ang krayola na binili nya sa perang hiningi nya sa akin:


Maraming mga simpleng bagay ang gngwa ni Ash na sobra kong naaapreciate, mula sa simpleng paglalambing nya hanggang sa mga materyal na ginagawa nya para ipakita ang pagmamahal nya sa amin ng mama nya at kapatid nya.

Salamat sayo munting prinsesa ko...

Sunday, September 26, 2010

Ang Krayola ng buhay ko!

Parang di ako makapaniwala na umalis na naman ako ng bansa. Gaano katagal na naman kaya ako malalayo sa piling ng mga taong mahal ko? Ilang gabi kaya akong makikipaglaban sa kalungkutan? Hayy...ayoko na isipin yang mga tanong na yan dahil baka di ako makatiis at magbalak na namang umuwi. Hayyy....


Well...kwento na lang ako my dear ka-blog readers and friends.

Today is supposedly a very happy day for my daughter Ash, pero hindi naging masaya kasi ngayon mismo ang araw na iiwan ko na naman ang aking munting prinsesa.

"Hayaan mo anak mabilis lang ang araw" yan ang nasabi ko sa kanya kaninang umaga habang yakap yakap ko siya at hinahalikan para magpaalam dahil ang batang balanga ay muli na namang lilisan para mangibang bayan. Ramdam ko na napansin nya na naluha ako nung sinabi nya na "Pa, mamimiss po kita" ngumiti lang siya sa akin na parang nangungusap ang kanyang mga mata at nagsasabi na "kaya mo yan Pa" pinilit ko maging matatag sa harap nya at niyakap ko sya para di nya makita ang pagpunas ko sa aking mga mata.

Sa may pintuan nandun ang aking isang anak na parang walang kaalam alam sa mga nangyayari, hawak ang kanyang laruan nilapitan ko siya at hinalikan. Yumakap siya sa akin at humalik na may halong paglalambing. Kinarga ko siya at sinabi ko na "pano yan anak, aalis na si papa"... "Papa" yan ang ibinigay nyang sagot sa akin, paulit ulit nya binabanggit ang "Papa"..."Papa"... inilapag ko siya sa sofa hawak ang kanyang laruan na parang wala parin siyang ideya na ako'y lilisan.

Sunod kong nilapitan ang bunso ko, ang aking munting anghel na bunga ng pagmamahal. Kahit di pa nya naiintindihan, sinabi ko sa kanya ang salitang "Paalam" ayoko sana sabihin ang salitang yun sa kanya, kasi ayoko na sa mura nyang isipan, salitang "paalam" agad ang kanyang matututunan. Pero, kelangan eh... so nagpaalam ako sa kanya, matagal kong hinalikan ang bunso ko, habang ninanamnam ko ang amoy ng kanyang leeg bangong bango kasi ako sa mga sanggol.

Matagal ko siyang tinititigan, dahil hindi ko alam kung kelan ko siya ulit matititigan ng malapitan at mahahawakan kaya sinamantala ko na ang mga oras na yun. Natuwa ako ng bigla siyang ngumiti, siguro hudyat yun na nararamdaman nya ako. hinimas ko lang ang kanyang ulo bilang ganti sa ibinigay nyang mga ngiti.

Mabilis na lumakad ang oras at kinailangan ko nang magpaalam sa lahat ng tao sa bahay. Huli kong pinagpaalaman ang pinaka espesyal na tao sa puso ko, ang aking asawa. Ngumiti lang ako sa asawa ko at kumindat, sa mga sign na yun alam ko na ramdam nya kung gaano ko siya kamahal, dahil ganun ako pag naglalambing sa kanya.


"Hon, aalis na ako" ang sabi ko; Ngumiti siya sa akin at sinabi ang mga katagang "Ingat", "I love You", humalik lng ako sa mga labi nya at tuluyan na akong nagpaalam.

Bitbit ang aking laptop, sa likuran ko ay nakasunod ang aking anak na si Micron, umiiyak siya habang binabanggit ang salitang "sama", "papa", "sama" hinaplos ko lang ang kanyang mga pisngi at muli ko siyan hinalikan.

Pinilit ko na maging matatag para di sila mahirapan at di rin ako mahirapan na umalis. Malayo na ako nakatanaw pa ang anak kong lalaki, khit di ko na naririnig ang iyak nya sa, sa puso ko ay parang may kumukurot na halos gusto kong tumalon at muling yakapin siya.

Kumaway na lamang ako habang lumalayo ang sinasakyan ko. Sa tabi ko, nakatingin sa akin ang panganay ko na si Ashley, nakangiti siya; Inakbayan ko siya at sinabi ko ng pabiro "O anak nandito ka pala" Sabay yakap sa kanya at tumawa. "Si papa talaga" yan ang sagot nya sabay hawak sa hita ko.

Wala na ako ibang nasabi pa sa kanya kundi ang "Magpakabait ka anak ha" "Lagi makikinig kay Mama"

Hayyy.... Napatigil ako pansamantala habang umaandar ang sinasakyan namin ng anak ko hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan ko ipi pick-up ang bestfriend ko, dahil kasama siya sa paghatid sa akin.

Mula sa jolibee, ang lugar kung saan ko pinick-up ang bestfriend ko hanggang sa bahay ng parents ko, masaya kaming nagkukwentuhan at nagbibiruan, ako...ang bestfriend ko...at ang anak ko. Kaming tatlo kasi talaga ang magkakasanggang dikit.

Nakarating kami sa bahay ng parents ko, nagpaalam kay Papa, at sa aking mama, na kahit na 2 weeks na may sakit, pinilit bumangon para ihatid ako kahit sa sasakyan lang.

Sa loob ng sasakyan namin, andun ang kulitan, asaran at tawanan naming magkakapatid kasama ng bestfriend ko. Pinilit naming maging masaya na parang walang iniisip na may aalis na naman sa pamilya.

"Ang hirap umalis" sabi ko sa ate maricel ko, ngumiti lang siya at sinabi "siyempre may maliit ka"

Tumawa lang ako sabay nagbitaw ng mga jokes sa kanila. Ganyan talaga ako palabiro!

Pagdating sa airport, sabi ng kapatid ko "oi cancel daw yung flight papunta ng singapore" parang bumilis ang tibok ng dibdib ko, sa isip isip ko..salamat makakauwi ako ulit! Dali dali ako lumapit sa airport staff, at tinanong kung cancelled ang flight papunta ng singapore. Oo cancel nga daw! Natuwa ako bigla, kaso nung tiningnan yung eroplano na sasakyan ko, iba pala ang eroplano na nacancel.

Nanghinayang ako bigla, at nakayukong bumalik sa upuan. Kinuha ko ang gamit ko at nagpaalam na sa aking mga kapatid, at sa anak ko na sobrang kulit.

Hayyy.... 6 hours na ako dito sa singapore! bukas balik na naman sa normal na routine, gigising ng maaga at papasok sa opisina!

Salamat na lang at nandyan ang mga krayola ng buhay ko, na nagiging inspirasyon ko sa bawat araw na kahit di ko sila kapiling, lagi parin nila pinaparamdam ang pagmamahal nila sa akin. Mahal na mahal ko kayo mga Krayola ng buhay ko! Ash,Mic, Jared... and ofcourse ang lalagyan ng Krayola..ang aking asawa! I love you hon!

Tuesday, September 21, 2010

Balanga City : POV about Jueteng - to legalized it or not!

Anak ng Jueteng! Yan ang nasasambit ko sa sarili ko sa tuwing makakakita ako ng nagpapataya ng Jueteng dito sa lugar namin.

Hanggang sa telebisyon at radyo ay puro jueteng ang maririnig mo sa mga balita at mas lalo pa umiinit ang issue ng jueteng dahil sa may mga nasa posisyon ang sangkot sa ganitong klaseng eskandalo. Anak ng jueteng talaga!

At ang nakakatawa pa dito bakit hindi mahuli huli ang mga sangkot sa sinasabi nilang illegal na sugal.

Hahaha!!! yan ang naging reaksyon sa tuwing maririnig ko ang balitang ito dahil para silang mga sirang plaka na paulit ulit nilang pinapangalanan ang mga taong sangkot sa issue na 'to pero walang nahuhuli hanggang ngayon.

Actually kelan pa nga ba nagsimula ang issue ng jueteng? Kung di ako nagkakamali simula pa ng administrasyong Estrada nang magsimulang uminit ang issue na to at sa katunayan ito pa ang naging dahilan ng pagkakaalis nya sa pwesto. Pero bakit hanggang ngayon wala paring solusyon ang problemang dala ng illegal na sugal na 'to.

Mga anak kayo ng jueteng, bigyan nyo ng solusyon ang problemang ito, hindi yung puro kayo dakdak dyan sa senado at kongreso! Nabigyan nyo na ng pangalan bakit hindi pa makasuhan? Lagi nyo sinasabi iniimbistigahan ninyo, eh hanggang kelan yan? Baka after 10 years may jueteng parin dito sa Pilipinas.

Hayyy....Anak ng jueteng tlga oh!

Monday, September 20, 2010

Bata....Bata...Bilis mo gumawa!

We went to church last Sunday to welcome our third child Charvin Rav Jared. While we are on our way, napangiti ako while i am looking behind me, my eldest daughter Ashley were walking alone while her younger brother Micron walking along with her mom na magkahawak ang kamay, habang ako naman ay karga ko ang bunso namin.

I have told to my self "Lumalaki na pala ang family ko" Bigla pumasok sa isip ko na parang kelan lang ay naglalaro ako kasama ng mga ibang bata, na kagaya nila nagtutumbang preso, nagtataguan, naghahabulan at naranasan ko rin maglaro ng chinese garter at piko.

Napakasarap isipin na lumalaki ang family mo, but it is more better kung kasama mo sila in every day of their life, i mean mula sa paggising hanggang sa pagtulog sana nakikita mo sila at nahahawakan. Mamimiss ko na naman ang kulitan namin ng mga anak ko, ang tawanan at ang asaran namin ng asawa ko.

Gusto kong sulitin ang mga araw na nandito ako sa piling nila, and i will make it sure na magiging masaya ang bawat araw namin na magkakasama.

Days are running fast and after 5 more days lilipad na naman ang batang-balanga papunta sa Singapore para ipagpatuloy ang commitment ko. Ilang months na naman kaya ako magtitiis ng homesick? Ilang months na naman kaya ako magiging superhero? Well, hindi ko alam at walang nakaka alam. Basta ang alam ko lang, I am doing this para sa family ko, to give them everything and provide them all their needs.

Sunday, September 12, 2010

Do you have a gift like what i have? A new gift of love - Charvin Rav Jared


Rush hour of September 11, 2010 with flight 5J-538 of Cebu Pacific airlines carrying around hundred of people flying off to Diosdado Macapagal Airport Clark Pampanga, sitting on seat 7C - a seat where i always took every time i'm flying off to Philippines; There was an excited passenger named: ARVIN - and that was me! the author of this blog...

Filled with dreams and excitement to have my wife and kids being embraced once again together in my arms is what i feel during that time and God i can't really explain why!

More excitement arouse when the plane takes off and start to lift thousand feet from the ground. And together with the clouds floating at the atmosphere, lumilipad din ang isip ko while i am staring at the window right besides me.

I tried to sleep para di ko maramdaman ang oras, though its just 4 hours flight from Singapore to Philippines feeling ko parang napakahabang biyahe nito para sa isang ama na nasasabik na mayakap at makita ang pansamantalang iniwang pamilya para magtrabaho sa ibang bansa.

Time has run fast, then suddenly i woke up when one of the flight attendant offered something to eat. A cup of nissin cup noodles and a can of 7-up filled my empty stomach, dahan dahan ko kinain ang noodles kasabay ng lumilipad ko paring isip na sumasabay sa paggalaw ng ulap.

Napangiti ako ng magsalita ang Kapitan ng eroplano na sinasakyan namin. "We are now approaching Diosdado Macapagal Airport..." hindi ko na inintindi ang mga sumunod na sinabi ng kapitan, the only important thing na nalaman ko ay malapit na kaming lumapag at malapit ko na mayakap ang crayola ng buhay ko who always giving some color in my life.

At last, the time has come. Lumapag ang eroplano na sinasakyan ko at halos mapatayo ako agad para kunin ang gamit ko sa cabin.

Sa labas ng airport, natanaw ko agad ang aking prinsesa na nakatnaw sa akin na alam ko na nakikita rin ako mula sa kanyang kinakatayuan.

Ngiti ang ibinigay nya sa akin, katunayan na nakita nya ako ganung ako ay nasa gitna ng maraming tao. It is just a proof na kahit isama tayo sa napakaraming tao, makikita parin tayo ng taong mahal natin sa pamamagitan ng "personal instinct" na tinatawag.

A single smile is the only thing that i do in return, just to show to her that i saw her too and i just wink my eyes on her wishing that she saw it too.

From a distance, while im heading my way out, someone took my attention! A girl sitting in one of the bench-chair smiling at me.

I immediately approach her and give her a warm hug and kiss! And you know why i kissed her? Hmmnn...she's my wife actually! awww...

And to make this story short, we reach home around 9:30 in the evening and eat my late dinner together with my wife and kids. Adobong Manok and Baboy is the dishes that i've been requested, and she grant it. She cook it with love just for me.

After that, naligo lang ako at umakyat na kasama ni Ashley at Micron kasunod ni Chat. We slept together but my boy Micron slept with her tita Abbie.

Halos 4 na oras pa lang ako nakakatulog when my wife tried to wake me up. Sabi nya masakit ang tiyan nya na parang humihilab. I ask her to ignore it and get back to sleep instead.

Hindi siya huminto sa pag hawak sa tummy nya while she was sitting down the bed. So i stand up and touch her tummy and i ask her this words "masakit na ba talaga?" She just nod at me, so i told her ok sige maligo ka na at dadalin na kita sa hospital.

Nakarating kami sa hospital around 4:30 in the morning and with some checkup on her the nurses decided to admit her.

Oh yeah! She was labouring that time. Actually ito ang first time ko na experience to kasi most of the time wala ako sa piling nya sa tuwing nanganganak siya. So medyo kabado talaga ako at di ko alam ang gagawin ko. Pero di ko pinakita sa asawa ko yun at instead nagpakakatatag ako.

After an almost 5 hours of waiting a new gift from heaven was born, a single cry from far pass through my ears together with my sister in-law and she told me "siguro yun na yun" I just smiled at her and say..."Maybe"

Matapos ang iyak na yun i have decided to go up and went to our assigned room, ipinatawag ako ng nurse at sinabing nakapanganak na ang asawa ko.

Magkahalong saya at tuwa ang naramdaman ko dahil at last, nakaraos na ang asawa ko kahit papaano at siyempre with the help and guide of our Lord.

A new baby boy and ipinahiram sa amin ng panginoon at kagaya ng ginawa ko sa mga anak ko na si Ash at Mic, mamahalin at ibibigay ko lahat ng pangangailangan niya.

I feel so happy at talagang hinintay pa ako ng anak ko para iparamdam sa akin kung paano ba ang feeling ng isang tatay na nagwoworry habang ang kanyang asawa ay nasa loob ng ER at nagli labor.

Ang sarap isipin na hinintay lang talaga ako ng asawa at anak ko para sa ganitong karanasan.

Till here and hope you like my post!

Saturday, September 4, 2010

Ouch...my Unguis incarnatus is killing me!


It was few days ago when i feel the pain on my toenail, i just ignore it for the thinking that it was just normal or just because my nail is too long and might need to cut.

Then after i feel so irritated with my toenail i cut it out using my old big nail cutter... lol! after i cut my toenail, i thought that it was the end of my misery, i mean the unusual feeling along the margins of my nails. I am wrong, actually that was the start of my nightmare.

After bathing, i try to clean my nail with the normal thing that i usually do, remove the dirt surrounds the margins and that's it. I didn't know that my nightmare will kick in as quick as a sh!t, after i put on my socks and wear my shoe i feel that there's something wrong on my feet, my toe feels so sensitive in every steps i make.

"Oh God... ang sakit ng paa ko" that's the only word that comes out from my beautiful lips (naks naman) and everytime i step napapakagat labi ako because of the pain.

I don't give a damn care about the pain and instead, i make my way to work and after a long day of work, i can still feel the irritating feeling all over my toenail. Time has past and but the pain was still there, so when i reach home i immediately take out my shoe and take a look what's happening inside my sting socks, and i am shock of what i've seen a bloody finger toe stuck on my socks. I slowly remove it feeling that it was the end of the world, i can really see the tissues bumping up on my toenail and the only thing that i can do is to shake my head while uttering this words "Aray sh!t and sakit".

I tried to think what are the real cause of this unguis incarnatus or what we usually called "ingrown". And i found out that one of the reason is our uncomfortable socks and tight shoes. But i tell to myself how could it be eh maluluwang ang medyas ko wala na ngang garter! Or if the reason is my shoe, impossible din naman dahil maluwag rin ang sapatos ko! So naisip ko, hindi kaya dahil kelangan ko na labhan ang shoes ko!!! hmmnnn...

Nangiti na lang ako at sabay sabi ng "Siguro nga dahil sobra dumi ng shoes ko kaya ako nagkaron ng ingrown"

So guys, if you don't want to suffer these pain i advice you to wash your shoes atleast once a week. And keep your socks clean and disenfected, not too tight to your feet. Wear a comfortable shoes and socks to avoid this miserable feeling of pain!

Hope you like my post! See yah!