Hindi lang ata isa, dalawa o tatlong beses akong nagkamali sa laro ng aking buhay. May mga pagkakataon pa nga na halos sumuko na ako sa lahat ng mga nangyayari. Kaliwa't kanang problema ang minsan nang sumubok sa aking pagkatao na halos bumago ng aking buhay at karera. Ngunit sa kabila nito, nariyan pa rin ang pag asa na muli akong makaka bangon, haharap sa lahat ng buong tapang at pagtitiwala."Ano ang katangian ng isang taong dapat iniingatan? Ito ay yung taong hindi ka iniiwan kahit napaka hirap mong pakisamahan"
Hindi sa lahat ng oras makakatagpo tayo ng taong aakay at tutulong sa atin sa bawat sandali ng ating buhay. Minsan akala natin kayang ituwid ng pagkakamali ang isang pagkakamali pero ang katotohanan "Walang pagkakamali ang naituwid ng isa pang pagkakamali"
Walang wala sa isip ko na ang pag-uwi ko pala sa Pilipinas ang isa sa magiging paraan kung paano maiaayos ang buhay ko, buhay na minsan akala ko tuluyan nang mapupunta sa wala.
It was not good day for me when i fly back to the Philippines and with a different plan in mind, lumipad ako lulan ng Tiger Airways flight DG7793 at kagaya ng nakagawian naka upo ako sa aking paboritong seat 7C, may dahilan ang lahat at alam kong wala tayong magagawa sa itinadhana na sa atin.
To make the story short, hindi natupad kung ano man ang nasa isip ko.
I know that this is a God's will, hindi nya hahayaan na mangyari ang isang bagay kung alam nyang walang maidudulot na mabuti sa ating buhay.
Sa bawat araw na kasama ko ang aking mga krayola, naramdaman ko na iba pala talaga ang pakiramdam pag alam mong kumpleto ka. Sa tulong ng aking mga krayola unti unting ibinalik sa aking alaala ang lahat ng masasaya at nakakatuwang sandali ng aking buhay kasama ang aking asawa.
Pinatibay pa to ng kanyang pag aalaga, pag aasikaso at pagpaparamdam kung sino at ano ba sya sa buhay ko. Maraming tanong sa isip ko ang binigyan nya ng kasagutan, mga tanong na hindi ko nasagot habang kami ay magkalayo at isang bagay lang ang napatunayan ko sa sarili ko "WALANG IBANG MAGMAMAHAL SA AKIN KUNDI SYA LANG" Sya na ibinigay ng Dios sa akin para maging kapareha at kakampi sa bawat hamon ng buhay.
At kung ano man ang mga naging pagkukulang at pagkakamali ko sayo MYLUVS KO hayaan mong palitan ko to ng mas malalim na pagmamahal at habang buhay na kaligayahan. I'm sorry myluvs, i should not hurt you that way. Alam kong maraming di magandang nangyari sa atin pero hindi dahilan yun para masaktan ka ng ganyan.
Sa lahat ng mga makakabasa nito isa lang ang payo ko sa inyo "Magpasalamat tayo kung makakatagpo tayo ng isang taong handang tumanggap sa atin sa kabila ng ating kahinaan at pagkukulang."
Sabi nga ng aking myluvs "Kung paulit ulit mo man akong saktan, paulit ulit pa rin kitang papatawarin at tatanggapin" Kung isang libong beses mo man akong saktan, isang libo't isang beses kitang uunawain" Kasi mahal kita :)
Lesson learn and wake up call na rin para sa akin. Anyway here's the video na ginawa nya sa akin 10 months ago na ilang beses ko ring iniyakan https://www.youtube.com/watch?v=EpkEoMnXSxM&feature=g-upl