My advertiser

Tuesday, August 22, 2006

Sino ba ako, bilang ako?

Ako bilang isang kabataan ay simbolo ng lahing Filipino. Noon ang isa sa di makakalimutang sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay “ Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”. Oo tayong mga kabataan, mga kabataan na patuloy na hinuhubog at sinasanay upang magsipagsilbing susunod na mga huwaran at tagapagtaguyod ng ating bansang Pilipinas at ng lahing Pilipino.

Sa panahon ngayon masasabi pa rin ba natin na ang mga kabataan ang magsisilbing tagapagtaguyod at pag-asa ng ating bayan? Gayong ang laman ng ating pamayanan ay halos puro abnormalidad? Na sa halip na tayong mga kabataan ang magpaunlad ng ating bayan ay tayo pa nagiging dahilan ng pagbagsak nito. Gaya na lamang ng mga kabataan na nakikita natin nanghoholdap, nagnanakaw, at pumapatay. Meron silang mabigat na dahilan kung bakit nila ginagawa ang mga masasamang bagay na ito. Kung minsan ay ginagawa nila ito dahil sa hirap ng buhay o sa utos ng kanilang mga magulang. Gayong ang mga dapat sanay nagsisilbing tagahubog naming kabataan na aming mga magulang o sa aming nakatatanda, ang sila pang nagsisilbing masamang halimbawa? Paano nila sisimbulo ang ating lahing Filipino gayong mali ang itinuturo sa kanila nga mga magulang, mali ang nakikitang sistema ng kanilang mga mata?

Para sa akin bilang isang simpleng kabataan, isang kabataan na may pinag aralan, alam ang pinagkaiba ng tama at mali, sisikaping gawin lahat ng tamang paraan para matapos ang isang problema. Maisisimbolo ko ang ating bansa at lahi sa pamamagitan ng pagpapakita ng paggalang, respeto sa bayang tinubuan at pakikipagkapwa tao. Na sa kabila ng mga kabulukan at kabaluktutan ng sistema sa ating gobyerno ay hindi tayo magpapadala o magpapaapekto dahil may natitira pa ring pag asang mapaunlad ang ating bansa sa pamamagitan naming mga kabataan. Di man lahat o marahil pa nga’y iilan lamang ay makapagbibigay pa rin naman kami ng mabuting impresyon at makabuluhang simbulo ng lahing Filipino sa bawat makakasalamuha namin habang kami ay patuloy na pinahihinog at hinuhubog ng panahon.

Sa aking paniniwala, hindi nagsisilbing sukatan ang laki, dami ng iyong kontribusyon o nagawa at iyong impluwensya at estado o pagkakakilanlan sa pagsisimbulo ng iyong sambayanan kundi sa iyong sinseridad upang maisimbulo at maipakita ang dangal ng sariling lahi. Ang lahing Filipino.

Affordable Virtual Assistant
Learn how to cook like a Pro!

No comments:

Post a Comment

Share your thoughts...