My advertiser

Sunday, September 23, 2007

Batang Balanga sa Singapore!

September 18 - isa sa malulungkot na araw sa buhay ko..bakit? dahil ito ang araw kung kelan ako lumipad patungo ng Singapore para mag trabaho. Iniwan ko ang family ko para makipag sapalaran dito sa Singapore. Tanda tanda ko pa ang mga pangyayari bago ako umalis ng bansa. Day before ako umalis sinabi ko sa sarili ko na kaya ko to! at gagawin ko to para sa family ko. Nasa work pa ako nun nang sabihin sa akin ng kapatid ko na umuwi daw ako ng maaga para nman ma enjoy ko ung huling oras na kasama ko family ko..ang aking asawa at anak. Pero di ako umuwi ng maaga dahil tinapos ko kung ano ang trabaho ko at ayaw ko iwan ang trabaho ko nang ganun na lang. So i just got home around 7pm. On my way home i really feel sad, because this is the first time na malalayo ako with my family, especially from my wife and my daughter.

Before my flight schedule, wednesday morning...nagpunta kami ng asawa at anak sa parents ko. Sobra ako nalungkot nun pero ayaw ko ipakita sa kanila na mahina ako, i just wanted to prove them na kaya ko kung ano man ang naging desisyon ko. My mama cries when i say "Ma, alis na po ako..ingat kayo dito ha" She hugs me and she says mag-iingat ka dun ha... at tumuloy na ako sa sasakyan na maghahatid sa akin sa Airport kasama ang asawa at anak ko.

Sa sasakyan, ramdam ko ang pressure..magkahalong kaba, tuwa at lungkot ang aking naramdaman, then i ask my daughter. Ashley anak...mami miss mo ba si papa..(she didn't reply anything) and she hug me so tight at sinabing "papa i love you" halos maiyak ako nung nagpaalam siya sa akin, wala akong sinayang na sandali and i give her a big hug. Ang wife ko naman ayaw magpahalata na nalulungkot siya, tumabi siya sa akin, and she put her head on my shoulder and she say's "I love you myluvs" and i replied her with a smile (saying that i really love her too).

Pagdating namin sa airport, 2 hours kaming naghintay sa labas bago ang flight ko, at exactly 3:00 pumasok na ako sa loob ng airport para mag check-in, sa loob naghintay ako hanggang 5:00 para sa flight ko.

9:15 lumapag ang eroplano dito sa Singapore, at ngayon halos 4 days na ako dito sa Singapore, at hanggang ngayon eh under adjustment parin ako sa lahat. Ngayon ko napatunayan na iba parin pala ang PILIPINAS!

6 comments:

  1. wag kang sad. isipin mo nalang na ure blessed bec u gots to work abroad. pag sad ka, magblog ka lang. express what u feel. therapy yan. i did the same thing when i was totally dpressed. ull get used to it. promise.

    ngit na po ;)

    ReplyDelete
  2. kamusta naman? Ganyan nga siguro talaga sa umpisa. Mahirap, malungkot. isipin mo na lnag siguro kung bakit ka nandyan. Di ba para rin sa mga minamahal mo?

    ReplyDelete
  3. Siguro nga ganito ang first time...buti na lang at may internet hehehe...yaan nyo i'll make my self busy para di ako malungkot..hehehe

    ReplyDelete
  4. long time no blogging around here, musta kabayan? at musta ang singapore, a nice place to visit too. are you somehow near North Point? san ka sa balanga?

    bloghopping,
    vertito

    ReplyDelete
  5. Anyone bought from www.belrion.com before ? heard they are a paypal world seller and are macfee

    seucred. Appreciate some feedback from anyone ^^
    buy ffxi gil
    buy eq plat
    cheap wow gold
    buy world of warcraft gold
    buy aoc gold
    buy L2 adena
    buy gil
    cheap gold wow
    buy wow gold
    buy warhammer
    buy warhammer
    alliance horde gold

    ReplyDelete

Share your thoughts...