Minsan sa ating buhay nangangarap tayo ng magandang kinabukasan para sa ating sarili at para sa ating mga mahal sa buhay. May mga tao na naghahangad ng malaking kita para sa ikabubuti ng kanilang pamilya at para sa kanilang hinaharap. Meron ding iniiwan ang sariling pamilya para mangibang bansa para kumita ng mas malaking pera para sa kapakanan ng pamilya.
This is what i want to share to all my readers, isang kwento ng pinay na nagpunta dito sa singapore para sa kanyang anak. Nameet ko ang pinay na ito through my brother. Dumating siya dito sa Singapore dala ang pangarap na matulungan ang kaniyang pamilya at anak sa pag aakalang dito nya matutupad ang pangarap nya para sa kanyang pamilya.
Last week dumalaw siya dito sa bahay para dumalaw at makipagkwentuhan sa aking ate at sa aking mom. At sa pag uusap na ito naungkat ang dahilan kung bakit siya napunta dito sa singapore.
Nabanggit nya na isang Filipino Agent ang naka recruit sa kanya para mag work sa isang restaurant dito sa singapore. Bago pa siya dumating dito nagta trabaho na siya bilang isang manager sa kilala sa ating bansa na JOLLIBEE. Maganda na ang kita nya noon sa pinas, ngunit nang mag offer sa kanya ng malaking halaga kapalit ng pagta trabaho nya dito sa singapore indi na siya nagdalawang isip na pumayag dun sa agent.
Ilang araw lang matapos ang pag uusap na yun lumipad na siya patungong singapore dala ang pangakong magandang oportunidad para sa kanya ng kanyang agent. Pagkarating nya dito sa singapore hindi nya inaakala na ganun ang hirap na daratnan nya, kabaligtaran lahat ng ipinangako ng kanyang agent. Habang ikinikwento nya sa akin ang sitwasyon nya dito bigla ako natahimik at napatingin nlng sa kanya bigla ko nasabi sa isip ko "kawawa ka naman". Sabi nya ang pangako sa kanya ng agent nya ang salary nya dito ay aabot ng 1,500SGD aabot sa halagang 45,000.00 kumpara sa pera natin sa kasamaang palad ang ibinibigay lang sa kanyang sweldo ay 900SGD ibabawas pa nya ang renta sa kanyang tinutuluyan na 300SGD bayad sa agent nya na 300SGD at ang natitirang pera ay ipapadala nya sa kanyang pamilya sa Pilipinas, nagtitira lang siya ng halagang sakto lang sa pamasahe nya sa loob ng isang buwan. Kung iisipin ko, bakit nya daranasin ang hirap na to samantalang maganda ang tinapos nya sa pilipinas at maganda ang trabaho nya. Dumating pa sa punto na naikwento nya sa akin na minsang abutan siya ng last trip ng mga bus dito, wala siyang nagawa kundi lakarin ang kanyang tinutuluyang flat mula sa kanyang trabaho na umabot ng 2 oras na lakad, pagod ka na sa trabaho pagod ka pa sa paglalakad at take note... it was in the middle of the night.
Halos maluha ako nung narinig ko ang kwento nya at sa hirap ng trabaho nya dun sa restaurant na kanyang pinapasukan. Kung titingnan ko nga siya parang ibang iba kumpara noong una ko siyang nakita.
Mahirap talaga magtrabaho sa hindi mo sariling bansa, lalo na kung ang matatapatan mong boss eh di ganun kaganda makitungo sa kanilang trabahador. At dun sa agent nya, sana di nya niloko ang tao pinoy pa naman siya, pinangakuan nya ng malaking sweldo pero kabaligtaran lahat ang nangyari. Nakuha pa nyang sumingil ng malaking halaga sa taong na recruit nya, imagine 9 months siya babayaran ng tao 300$ buwan buwan ang sarap ng buhay nya samantalang ung na recruit nya eh halos sumuka ng dugo sa hirap ng trabaho.
Natapos ang aming pag uusap halos alas diyes na ng gabi at inihatid ko na siya sa bus stop papunta sa kanyang inuuwian.
Sana wala nang ganitong tao na maloloko...nakakaawa, at ang masakit pinoy pa ang nag recruit sa kanya.!!!
this is so touching.
ReplyDeletei hope that our government will do something to ensure our modern day heroes' safety abroad.
God bless you and you friend.
God will always be there for her. :)
nakakaawa tlga xa...naiinis lang ako sa nag recruit sa kanya bakit niloko nya ang kapwa nya pinoy!
ReplyDelete