While i'm browsing my brother's friendster bigla ko naalala ang Pinas, i really miss them so much especially pag araw na ng practice ng Karate.
When we we're young My eldest brother is the one who introduce us this sports. Naalala ko pa habang patago ko silang ginagaya while i'm hiding behind on one of the pillar of the gym, actually hindi tlga xa gym, it's just a small open portion sa harapan ng bahay namin sa bataan.
My kuya was so strict hindi ka pwedeng lumiban sa practice, so all of my brothers are required to attend the practice.
I was so excited one time, tinawag ako ng kuya ko at sinabi nya " o tara saling-pusa ka sa practice" at that point naisip ko wow makakapag karate n rin ako.
Halos sabay kmi ng bunso kong kapatid na nag aral ng karate, so nakakatuwa kasi lahat kami in the family eh sama samang nagpa practice on one sports that we really love.
Nahinto lang ako nagkarate when i get married, actually hindi totally huminto, pero hindi na ako ganun ka active in terms of practice. But once in a while if we have time pumupunta parin kami sa gym para mag practice.
Right now, lagi ko tinatanong sa isip ko, kumusta na kaya ang mga kapatid ko, are they still the same as before??? Hindi ko na alam kung ganun parin sila ka active sa karate, but what i've heard from one of my older brother na continue parin sila.
Pero ang alam ko iba na ang style ng practice nla. Hindi na kagaya ng traditional karate style na itinayo ng kuya ko. Nakakalungkot kasi parang nabalewala na ang pinag hirapan ng kuya namin. Kung pag aaralan ko kasi ang litrato sa profile ng brother ko parang hindi ko na nakikita ang dating pangalan ng gym namin...ngayon tuloy napapaisip ako nakalimutan na kaya nila ang pinag hirapan ng kuya namin na itatag na gym? Sa totoo lang ang kuya ko ang Presidente ng Karate dun sa Bataan, pero ngayon parang nabalewala na siya, siguro dahil hindi na rin xa lagi sa bataan.
Sa mga bro. ko...wag naman sana natin kalimutan ang pinaghirapan ng kuya natin, isipin nyo na lang when we we're young siya ang nagpilit na makatapos ng black-belt para lang maisalin sa atin ang kanyang nalalaman, but now we are old-enough pero para tayong ibon, na nung mga munting pispis pa lang at di pa makalipad umaasa tayo sa ating kapamilya para matutong lumipad, ngunit ngayon na matikas na ang ating mga bagwis parang mas mataas pa tayong lumipad kesa sa nagturo sa atin.
Ang point ko lang, buhayin natin ang itinatag ng kapatid natin. Take note, we are one of the first gym sa bataan, dapat tayo ang sinusundan ng yapak, hindi tayo ang susunod sa yapak ng iba.
No comments:
Post a Comment
Share your thoughts...