- Material? Hmmnn...Pwede.... admit it or not, most of us are into materials, and once we have a celebration or any gathering; material gift is always on the top list.
- Money? Good idea huh? But is it worth giving money to someone who don't even know how and where to spend it?
- Love and Affection? That's what i'm talkin' about! To me as a person, love and affection is a kind of gift that no amount of money can buy. Yes sometimes we misuse it, but hell yeah this gift is extremely worth giving to someone you love. For sure some of you will laugh at me or maybe smiling right now and at the back of your mind you'll probably say "This guy is too corny" yes i am! Call me "corny", call me "kill joy", call me anything you want. But for me love and affection is the only gift that i can give to someone i love...
If i would be given a chance, i will fly off to the Philippines not to celebrate, but to tell him how much his papa loves him, and how happy i am that even we're thousand miles away from each other he "as my son" knows that i love him so much, but ofcourse not just him but his siblings as well.
So, daanin ko na lang ulit sa blog ang message ko :)
... Micron anak... alam ko kulang ang birthday mo, dahil bukod sa kakagaling mo lang sa hospital, wala pa akong magawa para umuwi at makasama ka sa birthday mo. Alam ko naiintindihan mo ang sitwasyon ni papa, at alam ko na kahit na bata ka pa malawak na ang pang unawa mo. Maaaring sa ngayon di mo to mababasa at maiitindihan pero pag dating ng panahon sigurado ako maiintindihan mo rin to.
Micron anak... alam ko na nasa stage ka pa ng paglalaro at ineenjoy ang pagiging bata. Sige lang anak, i enjoy mo ang buhay bata, na minsan kong hinangad sa buhay ko. Maswerte ka anak kasi naranasan mo maging bata, naranasan mo magkaroon ng mga laruan na gusto mo na minsan ko ring pinangarap para sa sarili ko nung bata pa ako.
Anak lagi mo sana tatandaan na mahal na mahal ka ng papa, at ginagawa ko ang lahat para sa'yo at sa mga kapatid mo. Isa lang ang gusto ng papa, ang lumaki kayo na may pag galang sa magulang, may paniniwala sa Diyos at lumaki kayo ng hindi huli sa lahat ng bagay sa mundo.
4 years old ka na anak, and this coming school year papasok ka na sa eskwela. Gusto ko sana sa unang araw ng pag pasok mo sa eskwela ako ang maghahatid sayo, kagaya ng ginagawa sa akin ng tatay ko nung bata pa ako.
I love you so much anak.... Ipabasa mo kay mama mo ang message ko para sayo.. o di kaya naman mag Skype tayo at ako ang babasa para sayo. Parang story telling lang na lagi natin ginagawa tuwing umuuwi ako ng pilipinas.
Lagi mo tandaan that PAPA LOVES YOU SO MUCH!
No comments:
Post a Comment
Share your thoughts...