My advertiser

Saturday, July 26, 2008

Pinoy Kahit san dalin pinoy parin!!!

Bakit nga ba ang Pinoy kahit san mo dalin makikilala mo ang pagiging pinoy....kahit magsalita man sila ng ibang lenggwahe malalaman mo parin kung pinoy o hindi... Sa dami ng nakakasalamuha ko na mga tao dito sa singapore at kahit san ako mapunta eh lagi ako natatawa sa sarili ko pag may nakikita akong pinoy na nagku kwentuhan lagi ko nasasabi sa sarili ko ang pinoy talaga kahit san dalin pinoy parin! Bakit ko nasabi to? kasi ba naman pag may nakita ka na umpok ng tao na nagtatawanan..nagku kwentuhan at may mga bitbit na kung anu-ano...subukan mong lumapit sigurado ako pinoy ito...

Isa rin sa mga napapansin ko sa mga pinoy dito sa Singapore, pag nakasakay ng MRT at may katabi na sabihin na nating amoy putok...pag may nakita ka na nagreact at nagtakip ng ilong wag mo na tanungin sigurado ako pinoy ito...

Bigla ko tuloy naalala ang nangyari sa amin ng ate ko ng umattend kami ng isang party dito sa singapore. Pagdating namin sa lugar, halos wala na bakanteng table na pwede naming pwestuhan, so naki share kami sa isang grupo na may bakanteng upuan at dun kami naupo ng ate ko kasama ng dalawa nyang anak.

Ewan ko ba ang napagkatuwaan ko na pintasan ang mga tao na nandun kabilang na ang mga katabi namin sa upuan.

Nag-usap kami ng ate ko ng ganito

AKO: Ate kala ko mahinhin kumain ang mga chekwa, eh bakit itong katabi natin tingnan mo mula nung dumating tayo naka ilang kuha na yan ng pagkain.

ATE: Pansin ko nga!

Tuloy ang pagkain namin ng ate ko, maya maya tinawag ang anak nya nung kapatid ng asawa nya. Halos ayaw lumapit ng pamangkin ko dun sa taong tumawag dahil mahiyain ang mga pamangkin ko. Bigla ko nasabi sa ate ko ang ganito.

AKO: Tingnan mo tong mga batang to tinatawag ayaw lumapit.
ATE: Hay naku, ewan ko ba sa mga to' buti nga at paborito sila ng mga uncle nila, ayaw naman magsilapit.

AKO: Eh panong di magiging paborito, tingnan mo naman mga pamangkin ng asawa mo, mga walang mata, ang papanget...sabay tawa ako ng malakas. hahahaha...

AKO: Tingnan mo tong anak nung katapat natin, ang panget maputi lang xa.
ATE: Sinabi mo pa..tingnan mo kamukha ng tatay...

Sabay kaming natawa.

Siguro after ng isang oras lumapit sa amin ang isa sa mga kapatid ng asawa ng ate ko, at isa isang pinakilala ang mga bisita sa amin.

Nagulat kaming ipakilala ang lalaki na nasa kasama namin sa mesa at ama ng batang pinintasan namin at sinabihan namin ng malakas kumain.

Isa palang pinoy ang lalaking yun, at di lang nagpapahalata na alam nya ang pinag uusapan namin. Nagkatinginan lang kami ng ate ko at sabay pa naming nabanggit "PINOY KA?"

Grabe talaga ang experience na yun halos di ako makaharap dun sa lalaki na pinintasan ko, ang masama pa asawa rin pala yun ng isa sa mga kapatid ng bayaw ko.

Kaya tuwing maiisip ko yun natatawa na lang ako...atleast natuto ako na di sa lahat ng oras pwede ka mamintas at magsalita ng masakit sa kapwa mo lalo na kung hindi mo kilala ang mga ito.

Hay .... ang pinoy talaga....

1 comment:

  1. hahahah! really funny! something like this happened to a couple of friends in tokyo too. it happened to me in reverse, i saw someone filipino-looking at uni and excitedly approached her, when i said something in tagalog, she smiled and said that she was from malaysia. wahahaha!

    ReplyDelete

Share your thoughts...