My advertiser

Tuesday, September 21, 2010

Balanga City : POV about Jueteng - to legalized it or not!

Anak ng Jueteng! Yan ang nasasambit ko sa sarili ko sa tuwing makakakita ako ng nagpapataya ng Jueteng dito sa lugar namin.

Hanggang sa telebisyon at radyo ay puro jueteng ang maririnig mo sa mga balita at mas lalo pa umiinit ang issue ng jueteng dahil sa may mga nasa posisyon ang sangkot sa ganitong klaseng eskandalo. Anak ng jueteng talaga!

At ang nakakatawa pa dito bakit hindi mahuli huli ang mga sangkot sa sinasabi nilang illegal na sugal.

Hahaha!!! yan ang naging reaksyon sa tuwing maririnig ko ang balitang ito dahil para silang mga sirang plaka na paulit ulit nilang pinapangalanan ang mga taong sangkot sa issue na 'to pero walang nahuhuli hanggang ngayon.

Actually kelan pa nga ba nagsimula ang issue ng jueteng? Kung di ako nagkakamali simula pa ng administrasyong Estrada nang magsimulang uminit ang issue na to at sa katunayan ito pa ang naging dahilan ng pagkakaalis nya sa pwesto. Pero bakit hanggang ngayon wala paring solusyon ang problemang dala ng illegal na sugal na 'to.

Mga anak kayo ng jueteng, bigyan nyo ng solusyon ang problemang ito, hindi yung puro kayo dakdak dyan sa senado at kongreso! Nabigyan nyo na ng pangalan bakit hindi pa makasuhan? Lagi nyo sinasabi iniimbistigahan ninyo, eh hanggang kelan yan? Baka after 10 years may jueteng parin dito sa Pilipinas.

Hayyy....Anak ng jueteng tlga oh!

1 comment:

  1. dont worry siguro nmn darating din ang time na magiging maayos ang kalagayan ng bansa natin.nasatin din nmn siguro yan eh tayo ang simula lolz hahah!!well basta dnt loss hope kung baka s pagibig wag mawalan ng pagasa na mamahalin ka ng taong mahal mo parang ganyan din yan s laht ng hamon s buhay laging may pagasa!!jus faith in god and s sarli un lng un!!everything will be fine!

    ReplyDelete

Share your thoughts...