"Some people comes into our lives and they quickly go.
Some people stay for awhile and leave footprints into our hearts
But, we are not like them! Cos we are FOREVER"
It was a cold day of the month of August 2001 nang unang mag krus ang landas ng isang bolero at isang emotera.
"O sino nagpa-iyak sayo" yan ang una kong bati sa kanya, sabay tawa kasama ng bestfriend ko na si jepoy. Hindi ko akalain na ang pagtatanong ko na yun ang simula ng napakakulay kong buhay sa eskwela.
Wala siyang ibinigay na sagot sa akin sa tanong na yun ngunit ramdam ko sa sarili ko na may mabigat siyang suliranin nang mga oras na yon. Kasama ang kanyang ate, nagmamadali silang lumabas ng compound ng eskwelahan kung saan kami nag aaral.
Hindi ko na nakita si emotera kinabukasan, at makalipas ang ilang araw muling nagkrus ang landas namin sa parehong lugar kung san kami unang nagkita. Kasama ng kanyang kaibigan, tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak that time. Ngiti lang ang isinagot nya sa akin, at ang madaldal nyang kaibigan lang ang nagsabi na "Eh pano kasi namatay lolo nya" natahimik na lang ako sabay sabi ng "oopss... sorry"
Matapos ang araw na yun naging madalas na ang pag uusap namin hanggang sa magkaron kami ng 'MU' o multong unggoy...este..Mutual Understanding pala.
Araw araw ang naging pagkikita namin ni emotera, naroong tawagin ko siya sa oras ng kanyang klase para lang kumain ng pancit canton na ipinaluto ko sa canteen with matching RTO (royal true orange)
Magmula noon, nakasanayan na namin ni emotera ang routine na yun, kaya pagnakita na ako ng teacher nya alam na nila yun, at sasabihin "Oh Chat tawag ka ng boss mo" Natutuwa naman ako sa teacher nya dahil kahit na may klase sila hinahayaan nya na lumabas si emotera (chat) para sumama sa akin sa canteen to eat our fave snack!
Isa pa sa mga saksi sa aming napakasayang relasyon ay ang tindero sa park, sa tuwing makikita nya kami na magkasama ay lolokohin na kami nun at sasabihing "Sweet nyo, bagay na bagay kayo" at si emotera naman ay lalo pang kakapit sa akin sabay sasabihin ko naman "Siyempre naman"! Mga simpleng bagay lang ang naging palipasan ng oras namin ni emotera, ang pagtambay sa park, pagkain ng fishball at pag inom ng palamig na nasa plastik. Mga simpleng bagay pero tumatak sa aming mga puso at isipan na kahit kelan hindi namin kakalimutan!
Isa ang Charvin sa naging tambalan ng taon sa eskwela, lahat ata ng guro at mga schoolmate namin ang alam ang tambalang Charvin. Sino pa nga ba ang di makakakilala sa taong nagbansag ng tambalang Charvin, sino pa nga ba e di si Evelyn! ang babaeng kung lapastanganin ng mga estudyante ay ganun ganun na lamang..hehehe...Kung Proclesian ka malamang eh kilala mo si Evelyn!
Marami kaming masasayang araw ni emotera(chat) na habambuhay kong isasapuso, at oras oras kong sasariwain. Dahil ang mga sandaling kasama ko siya ay talaga namang langit para sa akin.
Walong taon na ang lumipas ngunit lahat ay sariwa parin sa aking alaala, mga araw at oras na kasama ko siya ay hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga ng pera. Ang pagbigay nya sa akin ng mga krayola, ang mga krayola na nagsisilbing inspirasyon ko sa bawat oras na malayo ako sa kanila.
At kung mawala man ako sa mundong ito, at bigyan ng pagkakataon na bumalik, hihilingin ko sa kanya na ibalik ako sa araw na nagkakilala tayo para muling sariwain ang unang araw na ika'y naging akin!
No comments:
Post a Comment
Share your thoughts...