My advertiser

Thursday, November 15, 2012

Kahit Maputi na ang buhok ko - 50th Wedding Anniversary

Habang ginagawa ko ang video ng parents ko bigla ako napatahimik at natanong ko sa sarili ko "Aabot kaya kami ng 50 years" Maraming mag asawa ang naghahangad umabot ng gintong anibersaryo ngunit iilan lamang ang may matibay at matatag na pundasyon para malampasan ang lahat ng problema.

Isa sa mga dahilan ng hiwalayan ng mga mag asawa ang problemang "third party", problemang "pampamilya" at problemang "pinansyal" Pero kung lahat ng nabanggit kong problema ay kaya nating paglabanan sigurado akong lahat ng ikinasal ay aabot ng gintong anibersaryo.

Sabi naman ng iba, naghihiwalay daw ang mag asawa dahil hindi na nila mahal ang isa't isa. Hindi ako naniniwala sa dahilang yan dahil ang pagmamahal ay di nawawala sa puso ng tao.

Ako kaya??? kami ng asawa ko?? aabot kaya kami sa hangad naming golden anniversary? Alam kong maraming problema sa aming relasyon at alam kong hindi madali ang aming pinagdadaanan. Pero alam ko sa sarili ko na basta may tiwala tayo at pagmamahal sa isa't isa hinding hindi masisira ang ating pamilya.

40 years na lang ang hihintayin natin myluvs at mararating na natin ang ating Golden Wedding Anniversary. Sa mga taong gustong sumira o nagbabalak sumira ng ating relasyon sorry na lang kasi subok na subok na namin ang isa't isa.

No comments:

Post a Comment

Share your thoughts...