My advertiser

Sunday, April 24, 2011

Batang Balanga Headline News : Genesis get into another accident


Another tragic incident happened on 18 of April 2011 when a Genesis public transport collided with a tricycle along Roman Super Highway.

The incident happened around 2' o'clock in the afternoon and people are all shocked with the incident that attract and call the attention of all the people passing by.

According to witnesses, the tricycle are taking a U-turn and didn't notice the incoming public bus and hit the tricycle badly.

There are 4 people confirmed dead during the incident and investigation are still on going.

I personally saw this incident that day and all of us are shocked from what we've seen. A man crashed under the Genesis Bus are totally wrecked. And on the other side of the road is the tricycle with a 2 man turned upside down. Far the distance is a beheaded little kid.

I personally feel pity to all those people in the accident!

Saturday, April 2, 2011

A walk to remember - Ang luma kong tsinelas


Malayo man daw ang marating, babalik at babalik ka rin!


Mahaba haba na rin ang serbisyo sa akin ng kasangga ko na to. More or less 3 years na rin nya akong hinatid sa mga destinasyon ng aking buhay.

Kahit sa huling sandali ng kanyang serbisyo sa akin sinigurado nya parin na makararating ako ng maayos sa aking pupuntahan. Mahaba habang biyahe ang aming nilakbay. Sakay, lakad, sakay at lakad yan ang aming naging routine sa tuwing kami'y magkasama.

Tandang tanda ko pa nung unang lumapat ang aking mga paa sa kanyang apakan at kahit medyo may kaluwagan ng kaunti naramdaman kong komportable ako sa kanyang lambot at tibay. Ilang bagyo na rin ang aming nalampasan, at ilang matinding takbuhan at lakaran na rin ang aming pinagdaanan.

Nanatiling matibay at matatag ang aking kasangga, kaya naman sa tuwing may pagkakataon hinahayaan ko lang syang magpahinga.

Salamat kasangga ko, sa tatlong taong paninilbihan bilang panlaban ko sa init ng lupa at basang lansangan. Sa bawat araw na suot kita sa aking mga paa alam kong ako'y nasa mabuting daan.

Ngayong ako'y iniwan mo na mananatili kang magandang alaala sa akin salamat sa matapat mong serbisyo sa akin.

Wednesday, March 30, 2011

Travelling back

After a 3 days overseas work in Malaysia, finally my bags are all packed and waiting for my flight to Singapore.

Taking a flight AK0715 of Air Asia your dear blogger will be seated at 15C respectively. A short journey will take me to Singapore with a positive result of my work. Within my stay in Malaysia i can say that there's a lot of new things that we need to learn from. And new experience and exposure will gives you an additional growth within our personality.

Working under the heat of the sun, i personally experience how difficult it is. Now i know that those people working in a construction site, laborer and work alike should not be judged according to their type of work.

I can say that my trip to Malaysia is such a good experience; not only for my personal working experience but the additional growth that it gives on my personality.

Dealing with other people is one of the most important thing that i learned. Not limited from communicating to those people that i don't even know their names up to speaking their local dialects just to get along with them.

One more important thing that i learned from that trip is additional confidence; A confidence that i acquired during my stay away from my homeland and working ground.

I can say that this is one of the memorable experience to me, not just because i learned a lot of new things but because this is the first time i work overseas alone.

I am going back to Singapore with a positive result and i am proud to say that my overseas trip is consider as a JOB WELL DONE!

Saturday, October 16, 2010

Tortugas Bridge Finally done, but still....


Yes, the title says it all! Tortugas bridge was finally done and open for public after an almost a year of re-construction! And of course it will not be happen without the help of the local government of the City of Balanga.

The inauguration of the said bridge was held on 25th of September 2010 lead by the Governor of Bataan Hon. Tet Garcia and Mayor Joet Garcia together with the City Councilor of Balanga.

It is such a big help to all the residents of Barangay Tortugas especially to all those "Biyaheros" - the person who delivers "Bagoong" to other places and to those who used this bridge as a main source of transportation to cross over to the other barrio and to those who used this bridge for their businesses.

But there's one thing that I've observe on that bridge. The fact that this bridge is too slope for the motorist and i have a doubt that not all motorist will easily drive through this bridge, and i proved it correct!

Motorists are struggling to drive up to the bridge, especially those who drive an old motorcycles and those who are riding a bicycles like the one in the picture. Imagine how the lady struggle to drive to that bridge? And she still needs to go down and push her bicycle instead.

I hope that the city government of balanga and the local government of tortugas do something to eliminate or even ease or lessen the difficulties of the driver who used that bridge as a main source of transportation.

Nevertheless, this step by the local and city government shows that they are willing to help the people of the city and the people living in the barrios by providing them a service that will benefits the residents and the people going to Barangay Tortugas. Since the bridge was already open, expect the visitors of Tortugas Baypark to boom and to increased as per normal.

I know that in the end of the day, if the city government tried to re-construct the bridge and make it slightly lower from the main road it would be better for all the travelers who wants to travel in and out from the beautiful barrio of Tortugas.

Wednesday, September 29, 2010

When bolero meets sexyemotera!

"Some people comes into our lives and they quickly go.
Some people stay for awhile and leave footprints into our hearts
But, we are not like them! Cos we are FOREVER"



It was a cold day of the month of August 2001 nang unang mag krus ang landas ng isang bolero at isang emotera.

"O sino nagpa-iyak sayo" yan ang una kong bati sa kanya, sabay tawa kasama ng bestfriend ko na si jepoy. Hindi ko akalain na ang pagtatanong ko na yun ang simula ng napakakulay kong buhay sa eskwela.

Wala siyang ibinigay na sagot sa akin sa tanong na yun ngunit ramdam ko sa sarili ko na may mabigat siyang suliranin nang mga oras na yon. Kasama ang kanyang ate, nagmamadali silang lumabas ng compound ng eskwelahan kung saan kami nag aaral.

Hindi ko na nakita si emotera kinabukasan, at makalipas ang ilang araw muling nagkrus ang landas namin sa parehong lugar kung san kami unang nagkita. Kasama ng kanyang kaibigan, tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak that time. Ngiti lang ang isinagot nya sa akin, at ang madaldal nyang kaibigan lang ang nagsabi na "Eh pano kasi namatay lolo nya" natahimik na lang ako sabay sabi ng "oopss... sorry"

Matapos ang araw na yun naging madalas na ang pag uusap namin hanggang sa magkaron kami ng 'MU' o multong unggoy...este..Mutual Understanding pala.

Araw araw ang naging pagkikita namin ni emotera, naroong tawagin ko siya sa oras ng kanyang klase para lang kumain ng pancit canton na ipinaluto ko sa canteen with matching RTO (royal true orange)

Magmula noon, nakasanayan na namin ni emotera ang routine na yun, kaya pagnakita na ako ng teacher nya alam na nila yun, at sasabihin "Oh Chat tawag ka ng boss mo" Natutuwa naman ako sa teacher nya dahil kahit na may klase sila hinahayaan nya na lumabas si emotera (chat) para sumama sa akin sa canteen to eat our fave snack!

Isa pa sa mga saksi sa aming napakasayang relasyon ay ang tindero sa park, sa tuwing makikita nya kami na magkasama ay lolokohin na kami nun at sasabihing "Sweet nyo, bagay na bagay kayo" at si emotera naman ay lalo pang kakapit sa akin sabay sasabihin ko naman "Siyempre naman"! Mga simpleng bagay lang ang naging palipasan ng oras namin ni emotera, ang pagtambay sa park, pagkain ng fishball at pag inom ng palamig na nasa plastik. Mga simpleng bagay pero tumatak sa aming mga puso at isipan na kahit kelan hindi namin kakalimutan!

Isa ang Charvin sa naging tambalan ng taon sa eskwela, lahat ata ng guro at mga schoolmate namin ang alam ang tambalang Charvin. Sino pa nga ba ang di makakakilala sa taong nagbansag ng tambalang Charvin, sino pa nga ba e di si Evelyn! ang babaeng kung lapastanganin ng mga estudyante ay ganun ganun na lamang..hehehe...Kung Proclesian ka malamang eh kilala mo si Evelyn!

Marami kaming masasayang araw ni emotera(chat) na habambuhay kong isasapuso, at oras oras kong sasariwain. Dahil ang mga sandaling kasama ko siya ay talaga namang langit para sa akin.

Walong taon na ang lumipas ngunit lahat ay sariwa parin sa aking alaala, mga araw at oras na kasama ko siya ay hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga ng pera. Ang pagbigay nya sa akin ng mga krayola, ang mga krayola na nagsisilbing inspirasyon ko sa bawat oras na malayo ako sa kanila.

At kung mawala man ako sa mundong ito, at bigyan ng pagkakataon na bumalik, hihilingin ko sa kanya na ibalik ako sa araw na nagkakilala tayo para muling sariwain ang unang araw na ika'y naging akin!

Monday, September 27, 2010

Moments with love


Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon, halos di ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Siguro marahil sa kausap ko ang aking asawa at nakita ko ang aking mga krayola.

Masaya na ako na nakikita ko sila kahit na sa bintana lang ng aking computer. Gusto ko man silang yakapin ay tanging sa panaginip na lamang yun pwedeng mangyari.

Sinulit ko ang mga sandaling magkausap kami ng aking anak na si Micron, sobrang kulit talaga ng batang ito at nakuha pang makipaglokohan sa akin sa likod ng kamera. Sayang nga lang at di ko nakuhang litratuhan ang kakulitan nya para naman may maipost ako dito kahit paano. Nakapangalumbaba ako na nakatitig sa kanya habang naglalaro sila ng kanyang mama, bigla ko tuloy naisip parang kulang ang ilang araw na inilagi ko sa piling nila dahil hindi man lang kami nagkaron ng oras na magkasatan at magbonding kagaya ng ginagawa nila. Siguro marahil mas madalas pa siyang nasa piling ng tita nya kesa sa akin kaya parang kulang ang mga araw na inilagi ko sa piling nya.

Naalala ko tuloy ang sinabi ko sa asawa ko nung minsang magkausap kami. "Ang layo ng loob ni Mic sa akin" yan ang malungkot kong sabi. Kaya ang hirap pag nalalayo ka sa piling ng mahal mo lalo na at bata pa sila. Kung may pagkakataon lamang ako na umuwi linggo linggo ay gagawin ko para naman mas maging malapit ang loob nya sa akin. Tanggap ko naman na medyo malayo sa akin ang loob ng anak ko dahil sa hindi nya ako araw araw nakakausap at nakakasama, pero masakit din pala kung iyong iisipin.

Nakakatabi ko lang sa pagtulog si Micron kapag natutulog na siya kaya ang gagawin ko na lang ay ang titigan siya habang natutulog at kinakausap ng pabulong dahil baka magising at hanapin si tita nya. Ingat na ingat ako sa pag haplos ng kanyang ulo sa pangambang baka bigla siyang magising. Sapat na sa akin yun kahit sa ganung bagay lang sana maramdaman nya na ako ang papa nya at sana mas maging malapit pa siya sa akin.

Ibang iba naman ang panganay ko, ang aking munting prinsesa - palibhasa'y sa akin lumaki at sa mga hita ko natutulog nung siya'y munting anghel pa lamang. Mas naging malapit siya sa akin at ang naging bonding namin ay ang pagbasa ng libro bago siya matulog nung siya ay maliit pa lamang. Isang kwento isang gabi yan ang usapan namin.

Ngayong malaki na si Ash, hilig nya ang magbigay sa akin ng mga munting likha ng kanyang mga kamay. Naroong ipag gawa nya ako ng drawings o sumulat ng mga katagang "I love you Pa" at nung minsang tinulungan ko siya sa kanyang homework hindi pa siya nasiyahan na sabihin sa akin ang salitang "thank you" Nakuha pa nyang gumawa ng isang sulat na nakasulat ang "Thank you po papa, i love you po" ganyan ka sweet ang prinsesa ko kaya kahit na pasaway yan mahal na mahal ko yan.

Sa katunayan, gabi bago ako umalis ng pinas, humingi siya sa akin ng pera. Hindi ko na tinanong kung aanhin nya at agad ko siyang binigyan. Bumalik siya at patagong ipinakita sa akin ang kanyang binili. Isang kahon ng Krayola na gagamitin daw nya sa eskwela. "Anak bakit di mo sinabi sa akin para ako na ang bumili" ang tanong ko sa kanya. At alam nyo ba kung ano ang sagot nya sa akin? eto:

"Pa, ok lang po yun, alam ko naman po na hirap na kayo magwork kaya po tutulungan ko po kayo papa." Ngumiti na lang ako sa kanya at hinaplos ang ulo nya.

Sa totoo lang ang buong akala ko kaya siya humingi ng pera eh para ibili ng pagkain nya o ng chichiria na paborito nya. Sa murang edad ni Ash naiisip nya na tulungan ako kahit sa munting bagay lang. Sana ganyan siya hanggang sa lumaki siya.

Eto ang ginawa nya gamit ang krayola na binili nya sa perang hiningi nya sa akin:


Maraming mga simpleng bagay ang gngwa ni Ash na sobra kong naaapreciate, mula sa simpleng paglalambing nya hanggang sa mga materyal na ginagawa nya para ipakita ang pagmamahal nya sa amin ng mama nya at kapatid nya.

Salamat sayo munting prinsesa ko...

Sunday, September 26, 2010

Ang Krayola ng buhay ko!

Parang di ako makapaniwala na umalis na naman ako ng bansa. Gaano katagal na naman kaya ako malalayo sa piling ng mga taong mahal ko? Ilang gabi kaya akong makikipaglaban sa kalungkutan? Hayy...ayoko na isipin yang mga tanong na yan dahil baka di ako makatiis at magbalak na namang umuwi. Hayyy....


Well...kwento na lang ako my dear ka-blog readers and friends.

Today is supposedly a very happy day for my daughter Ash, pero hindi naging masaya kasi ngayon mismo ang araw na iiwan ko na naman ang aking munting prinsesa.

"Hayaan mo anak mabilis lang ang araw" yan ang nasabi ko sa kanya kaninang umaga habang yakap yakap ko siya at hinahalikan para magpaalam dahil ang batang balanga ay muli na namang lilisan para mangibang bayan. Ramdam ko na napansin nya na naluha ako nung sinabi nya na "Pa, mamimiss po kita" ngumiti lang siya sa akin na parang nangungusap ang kanyang mga mata at nagsasabi na "kaya mo yan Pa" pinilit ko maging matatag sa harap nya at niyakap ko sya para di nya makita ang pagpunas ko sa aking mga mata.

Sa may pintuan nandun ang aking isang anak na parang walang kaalam alam sa mga nangyayari, hawak ang kanyang laruan nilapitan ko siya at hinalikan. Yumakap siya sa akin at humalik na may halong paglalambing. Kinarga ko siya at sinabi ko na "pano yan anak, aalis na si papa"... "Papa" yan ang ibinigay nyang sagot sa akin, paulit ulit nya binabanggit ang "Papa"..."Papa"... inilapag ko siya sa sofa hawak ang kanyang laruan na parang wala parin siyang ideya na ako'y lilisan.

Sunod kong nilapitan ang bunso ko, ang aking munting anghel na bunga ng pagmamahal. Kahit di pa nya naiintindihan, sinabi ko sa kanya ang salitang "Paalam" ayoko sana sabihin ang salitang yun sa kanya, kasi ayoko na sa mura nyang isipan, salitang "paalam" agad ang kanyang matututunan. Pero, kelangan eh... so nagpaalam ako sa kanya, matagal kong hinalikan ang bunso ko, habang ninanamnam ko ang amoy ng kanyang leeg bangong bango kasi ako sa mga sanggol.

Matagal ko siyang tinititigan, dahil hindi ko alam kung kelan ko siya ulit matititigan ng malapitan at mahahawakan kaya sinamantala ko na ang mga oras na yun. Natuwa ako ng bigla siyang ngumiti, siguro hudyat yun na nararamdaman nya ako. hinimas ko lang ang kanyang ulo bilang ganti sa ibinigay nyang mga ngiti.

Mabilis na lumakad ang oras at kinailangan ko nang magpaalam sa lahat ng tao sa bahay. Huli kong pinagpaalaman ang pinaka espesyal na tao sa puso ko, ang aking asawa. Ngumiti lang ako sa asawa ko at kumindat, sa mga sign na yun alam ko na ramdam nya kung gaano ko siya kamahal, dahil ganun ako pag naglalambing sa kanya.


"Hon, aalis na ako" ang sabi ko; Ngumiti siya sa akin at sinabi ang mga katagang "Ingat", "I love You", humalik lng ako sa mga labi nya at tuluyan na akong nagpaalam.

Bitbit ang aking laptop, sa likuran ko ay nakasunod ang aking anak na si Micron, umiiyak siya habang binabanggit ang salitang "sama", "papa", "sama" hinaplos ko lang ang kanyang mga pisngi at muli ko siyan hinalikan.

Pinilit ko na maging matatag para di sila mahirapan at di rin ako mahirapan na umalis. Malayo na ako nakatanaw pa ang anak kong lalaki, khit di ko na naririnig ang iyak nya sa, sa puso ko ay parang may kumukurot na halos gusto kong tumalon at muling yakapin siya.

Kumaway na lamang ako habang lumalayo ang sinasakyan ko. Sa tabi ko, nakatingin sa akin ang panganay ko na si Ashley, nakangiti siya; Inakbayan ko siya at sinabi ko ng pabiro "O anak nandito ka pala" Sabay yakap sa kanya at tumawa. "Si papa talaga" yan ang sagot nya sabay hawak sa hita ko.

Wala na ako ibang nasabi pa sa kanya kundi ang "Magpakabait ka anak ha" "Lagi makikinig kay Mama"

Hayyy.... Napatigil ako pansamantala habang umaandar ang sinasakyan namin ng anak ko hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan ko ipi pick-up ang bestfriend ko, dahil kasama siya sa paghatid sa akin.

Mula sa jolibee, ang lugar kung saan ko pinick-up ang bestfriend ko hanggang sa bahay ng parents ko, masaya kaming nagkukwentuhan at nagbibiruan, ako...ang bestfriend ko...at ang anak ko. Kaming tatlo kasi talaga ang magkakasanggang dikit.

Nakarating kami sa bahay ng parents ko, nagpaalam kay Papa, at sa aking mama, na kahit na 2 weeks na may sakit, pinilit bumangon para ihatid ako kahit sa sasakyan lang.

Sa loob ng sasakyan namin, andun ang kulitan, asaran at tawanan naming magkakapatid kasama ng bestfriend ko. Pinilit naming maging masaya na parang walang iniisip na may aalis na naman sa pamilya.

"Ang hirap umalis" sabi ko sa ate maricel ko, ngumiti lang siya at sinabi "siyempre may maliit ka"

Tumawa lang ako sabay nagbitaw ng mga jokes sa kanila. Ganyan talaga ako palabiro!

Pagdating sa airport, sabi ng kapatid ko "oi cancel daw yung flight papunta ng singapore" parang bumilis ang tibok ng dibdib ko, sa isip isip ko..salamat makakauwi ako ulit! Dali dali ako lumapit sa airport staff, at tinanong kung cancelled ang flight papunta ng singapore. Oo cancel nga daw! Natuwa ako bigla, kaso nung tiningnan yung eroplano na sasakyan ko, iba pala ang eroplano na nacancel.

Nanghinayang ako bigla, at nakayukong bumalik sa upuan. Kinuha ko ang gamit ko at nagpaalam na sa aking mga kapatid, at sa anak ko na sobrang kulit.

Hayyy.... 6 hours na ako dito sa singapore! bukas balik na naman sa normal na routine, gigising ng maaga at papasok sa opisina!

Salamat na lang at nandyan ang mga krayola ng buhay ko, na nagiging inspirasyon ko sa bawat araw na kahit di ko sila kapiling, lagi parin nila pinaparamdam ang pagmamahal nila sa akin. Mahal na mahal ko kayo mga Krayola ng buhay ko! Ash,Mic, Jared... and ofcourse ang lalagyan ng Krayola..ang aking asawa! I love you hon!